Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pasalaysay

Ano ang ibig sabihin ng pasalaysay

PASALAYSAY

Ang salitang pasalaysay ay isang paraan ng pagsulat o paglalahad ng mga pangyayari o sitwasyon. Isa ito sa mga paraan kung paano ipapaliwanag ang isang bagay o mga pangyayari. Isinasagawa ito kapag kailangan ng isang detalyadong impormasyon.

Ang pasalaysay ang pagpapakita ng sunod sunod na mga pangyayari. Nagsisimula ito sa simula hanggang sa wakas ng pangyayari. Mahalaga sa pamamaraang ito ang isang organisadong paglalahad ng pangyayari. Ang pasalaysay na pagkukwento o pagsusulat ay isang paraan upang maunawaan  ng mga tagapakinig o tagabasa ang mga nangyari sa isang sitwasyon, bagay, kuwento at iba pang pangyayari. Tinutukoy nito ang mga totoong naganap at nagtatapos sa tuldok.

Sa paaralan, tinuturo ang pasalaysay na pamamaraang ito upang tulungan ang mga estudyante na matuto kung paano magiging organisado sa paglalahad ng mga pangyayari o ideya. Itinuturo ito upang mas mahasa ang isip ng mga estudyante at maipakita sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos o naorganisang pagpapaliwanag. Lalo na ang ganitong pamamaraan ay magagamit nila sa pagtatrabaho at pagsasama ng mga impormasyon para makabuo ng isang magandang konklusyon.

Isa ang pasalaysay sa mahahalagang pamamaraan ng pagpapaliwanag. Ito ay nagbibigay ng mas malinaw na basehan para maunawaan o maintindihan ang mga sitwasyon o pangyayari. Kalimitan ng ito ay ginagamit sa pagsulat ng mga kuwento.

Para sa karagdagang impormasyon:

brainly.ph/question/755656

brainly.ph/question/334800

brainly.ph/question/453550


Comments

Popular posts from this blog

Setting Of The Story Of Preludes

Mabuting Naidulot Ng Media Sa Ating Relasyon

Paano Mo Maiiugnay Ang Gawain At Disisyon Ng Tao Sa Pag Kakaroon Ng Mga Kalamidad