Paano Mo Maiiugnay Ang Gawain At Disisyon Ng Tao Sa Pag Kakaroon Ng Mga Kalamidad

Paano mo maiiugnay ang gawain at disisyon ng tao sa pag kakaroon ng mga kalamidad

Sa bawat kilos at gawain ng mga tao ay may kaakibat na mga resulta. Totoo, abala ang mga tao sa ibat ibang mga gawain upang maisakatuparan ang kanilang nais at makuha ang kanilang mga pangangailangan. Ibat ibang pamamaraan ang ginagamit upang matapos ang mga gawain at maisakatuparan ang mga desisyon. Ngunit hindi napapansin ng mga tao na kaakibat ng kanilang mga gawain at desisyon ay may mabuti at masamang epekto lalo na sa ating kalikasan.

Sa paglipas ng panahon, tila nakakalimutan na ng mga tao ang halaga ng yaman at ganda ng kalikasan. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ekonomiya at mga negosyo ay sumasabay din ang pagbagsak o pagkasira ng kalikasan. Ang kalikasan ay nagsisilbing pinagkukunan ng mga tao para makuha ang kanilang pangangailangan at makukuha ang minimithi nila. Hindi mabubuo o hindi magtatagumpay ang mga tao kung wala ang kalikasan. Pagkat ang kalikasan ay ang pangunahing pinagkukunan ng mga tao. Ngunit masyado ng naaabuso. Pagputol ng maraming kahoy o puno, pagpapatag ng mga bundok. paglawak ng polusyon, pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, pagsasabog ng dinamita sa karagatan, pagtatayo ng mga imprastaktura at iba pa ay ilan sa mga bagay na ginagawa ng mga tao sa kalikasan. Tunay nga na talagang ang mga gawain at desisyon ng mga tao ay may malaking epekto sa kalikasan. Kaya hindi na magtataka ang isa kung bakit mayroong mga kalamidad. Mga kalamidad na parang nagsisilbing paraan para maghiganti ang kalikasan. Ang ilan sa mga ito ay bagyo, di inaasahang pagguho ng lupa, pagbaha, malalakas na buhawi, paglindol at tsunami. Ang mga kalamidad na mga ito ay ang resulta ng maling gawain at desisyon ng mga tao. Ngunit ang pinakamasaklap, dahil sa mga maling desisyon at gawain, bumabalik rin sa mga tao ang perwisyo.

Pero kung sisikapin ng mga tao na magkaroon ng tamang pangmalas pagdating sa kalikasan, posible na mabago ang kalamidad. Bawat desisyon ng tao ay may resulta. Kung sisikapin ng mga tao na magdesisyon ng kaayon sa tama na hindi naaabuso ang kalikasan, tiyak, magkakaroon ng malaking pagbabago sa kalamidad. Ngunit kung hahayaan lamang ito ng mga tao, sigurado, sa hinaharap ay mas malala pa ang mga mararanasan na kalamidad.


Comments

Popular posts from this blog

Setting Of The Story Of Preludes

Ano Ano Ang Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Imperyalismo Sa Pilipinas?